Sabado, Enero 12, 2013

Ang Lungsod ng Kalookan




Ang Lungsod ng Kalookan ay isa sa mga lungsod na kasama sa binubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga at katabi ng Maynila, ito ang pangatlo sa pinakamalaking lungsod sa bansa na may 1,177,604 populasyon.
Sa heograpiya, nahahati ang lungsod sa dalawang saklaw. Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng Lungsod ng Malabonat Lungsod ng Valenzuela sa hilaga, Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Kalookan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng Lungsod Quezon, at timog ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Kasaysayan
Ang Kalookan ay unang tinawag na "Aromahan o Libis Espina" ng mga Espanyol na mananakop dahil ito ay matatagpuan sa "libis"(lowland) noong ito ay isang maliit na baryo pa lamang sa Tondo. Ang kasalukuyang pangalan na Kalookan ay pinaniniwalaang nakuha sa salitang-ugat na "lo-ok" dahil ito ay malapit sa Manila Bay. Ngunit ang iba naman ay naniniwala na ito ay galing sa salitang-ugat na "sulok" dahil noon, ang Kalookan ay matatagpuan sa lumang bayan ng Tondo at Tambobong (Malabon). Samakatuwid, ang salitang Kalookan ay galing sa salitang "kasulok-sulokan" na nangangahulugang "pinakaloob na lugar".
Noong 1762, ang mga Espanyol na Agustinong pari ay narating ang Kalookan, at sa kalaunan ay itinatag ang unang simbahang katoliko (San Roque Church) noong 1765, Gayunpaman, ang Administrasyong Espiritual ng Kalookan ay inilipat sa mga Rekolektos noong 1814.
Noong 1815, ang Kalookan ay inihiwalay sa Tondo at naging isang malayang munisipalidad. Ang Orihinal nitong teritory ay pinalawak mula sa paanan ng Marikina, San Mateo at Montalban sa Silangan; Tinajeros, Tanza at mga ilog sa Tala sa Hilaga; San Francisco Del Monte, Sampalok, Sta. Cruz at Tondo sa Timog; hanggang Dagat-dagatan o Aromahan sa Kanluran.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento